Pahayagang Pangkampus ng Sta. Ana National High School
Ang Daloy is the opisyal na publikasyong Pilipino ng Sta. Ana National High School at bahagi ng Special Program in Journalism (SPJ). Ito ay nagsisilbing daluyan ng boses, ideya, at malikhaing pagpapahayag ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng balita, lathalain, editoryal, at mga akdang pampanitikan. Nilalayon nitong ilapit sa mambabasa ang mga kaganapan sa paaralan at mga isyung panlipunan sa paraang makabuluhan at madaling maunawaan.
Bilang pangunahing publikasyong Filipino ng paaralan, hangad ng Ang Daloy na paunlarin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa masining at responsable na pamamahayag. Pinapahalagahan nito ang paghubog ng kritikal na pag-iisip, pagkamalikhain, at malayang pagpapahayag habang isinasabuhay ang etika ng campus journalism.
Ang mga miyembro ng Ang Daloy ay aktibong lumalahok sa pagsulat, pag-edit, pagdidisenyo ng layout, at iba pang gawaing pampahayagan. Sa pamamagitan ng mga workshop, meeting, at kolaboratibong proyekto, natututo silang maging mahusay at may pananagutang tagapaghatid ng impormasyon.
Sa bawat isyu, ipinapakita ng Ang Daloy ang tibok ng puso ng komunidad ng SANHS—mga tagumpay, hamon, at kwentong naglalarawan sa buhay-estudyante. Patuloy nitong itinataguyod ang layuning iangat ang kulturang Pilipino, buhayin ang pagmamahal sa wika, at bigyang espasyo ang iba’t ibang pananaw ng kabataang Sta. Ana.
Website designed and developed by Herrick Van Elmer B. Boquel, Fritch Angelo Gelvero, Andrey Lexter M. Gumata, Meill Froy B. Icban, and Charles Marky E. Tulbanos.
BSIT - Information Security Students University of Southeastern Philippines.